Panata ng Paglilingkod

Romblon Water District
Kami, mga namumuno at kawani ng Romblon Water District, ay nagtatalaga ng aming sariling;
 
Tiyakin ang pangangalaga at kapakanan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapadaloy ng malinis ligtas, abot kaya at sapat na tubig sa bawa't tahanan;
 
Walang humpay na paggawa upang isakatuparan ang aming mga layunin, kaakibat ang pagsasaalang-alang sa aming tungkuling pagtipid sa tubig at pangalagaan ang mga bukal, ilog at kalikasan;
 
Dalisay na gawain ang aming handog sa ikabubuti ng sambayanang amin ding kinabibilangan at pamana naming alay na maipagkakapuri ng mga susunod pang salinlahi.
 
"Tubig ay buhay, ibigin ng Wagas, panatilihing Dalisay"